top of page

TAMBANOKANO


Higanteng Alimango ng Santinakpan


PAGTUKLAS
Sa mga Mandaya, ang Tambanokano ay isang higanteng alimango na anak ng araw at buwan. Malalaking alon ang nalilikha sa bawat galaw ng nasabing nilalang. Ang pananahan nito sa isang hukay sa ilalim ng karagatan ay nagdudulot ng pagtaas ng tubig, samantalang ang paglisan naman nito ang nagpapababa sa lebel ng karagatan. May mga pagkakataong nagagalit ang higanteng alimango sa ina nitong buwan at nagtatangkang kainin ito; at tanging ang paglikha ng ingay ang makapipigil sa makapangyarihang nilalang.
bottom of page